Magsimula sa simpleng klase ng pamamaraan sa pagtatanim – Manong Nick Pedro
Kung seseryosohin ang ganitong gawain hindi ito kailangan gastusan ng malaki – ito ang naging pahayag ni Konsehal Nicanor “Manong Nick” Pedro Jr. hinggil sa usapin sa paggamit ng hydroponics farming.
Ayon kay Konsehal Manong Nick, ang paggamit ng ganitong klase ng pagtatanim ay maaaring simulan sa simpleng klase ng pamamaraan. Aniya, kapag nakasanayan na ang ganitong practice, di kalaunan ito’y mapagkaka-kitaan na rin.
“Puwede namang magsimula sa isang simple lang na klase ng pamamaraan, kung minsan, sa bandang huli nagiging malaking pagkakakitaan na rin eh, kapag medyo nasanay na tayo ng husto hindi po ba?”
Dagdag pa ng Konsehal, pagdating sa ganitong pagkakataon ay bigyan din ang sarili na subukan ang mga ganitong klase ng oportunidad. Hindi lang daw ito makakadagdag sa kaalaman, ito’y maaari ding magpayaman.