News

Kulong na parusa sa bookies, isinulong sa SP Quezon

Isang panukalang ordinansa na magpapataw ng mas mabigat na parusa sa sino mang mahuhuli na nagpapataya o bookies operator o illegal na operasyon ng Small Town Lottery sa Quezon Province ang inihain sa Sangguniang Panlalawigan ng Quezon ni Majority Floor Leader 4th District Board Member Isaias Ubana II.

Sa propose ordinance ni Ubuna na an ordinance penalizing the operation of bookies as form of illegal gambling, providing penalties therefore, and for other purposes o Anti-Bookies Ordinance of 2023 layuning masawata ang naturang iligal na operasyon sa Lalawigan.

Bagamat may nasyunal na batas hinggil dito, pero marami raw sa nahuhuli sa naturang iligal na sugal, nagagawaan ng paraan upang mababa ang multa at kaagad nakakabalik sa iligal na operasyon.

Nakapaloob sa panukalang ito ni Board member Ubana ang mas malaking multa at pagkakakulong sa mga mahuhuli.

‘’Yung mungkahing ordinansa ay yun ay it try to fill up yung gap may patla kasi sa batas na yun, nababangit ko yung patla sa pagkat sa nangyayari po nagmumukha naman tayong katatawa ang dahil kapag nahuli ang isang tao una sinasampahan sila sa Anti- illegal Gambling Act ngayon nakakapagpiyansa siya 30 thousand pagkatapos niyang magpiyansa diringgin ang kaso nya nangyon pagdinig ng husgado umamin lang siya, magmumulta lang siya ng 2 libong piso kaya nagmumukha tayong katawa tawa kasi napakaliit at walang parusa ng pagkakakulong ngayon itong ordinansa na ito yung magpupuno ng patla.”

Ang Panukalang ordinsa na ito ang magpupuno raw sa kakulunagn ng batas tungkol iligal na sugal na bookie.

Laman din ng naging Explanatory Note ni Ubana sa session sa plenaryo ng Sanggunian, umaga ng March 6, kasabay ng pagsulong ng anti-bookies proposal ordinance ang talamak na operasyon ng bokies sa Lalawigan dahil kung bakit bumaba ang ingreso o income ng Small Town Lottery na sana’y napapakinabangan para sa iba’t ibang serbisyo para sa mamamayan.

“Ito pong ilagal na gawain ito ay nakaapekto sa kinikita ng pamahalaan at nakaapeto na rin sa kikitain sana at pwedeng itulong sa ating mga kababayan.”

Sa anti-bookies propose ordinance na ito ni Ubana, kung magiging ganap na lokal na batas, maaari ng makulong ng hanggang isang taon ang mahuhuli depende kung ilang beses na paglabag.

“Taasan in a sense na una, pangalawa, pangatlo na pagalabag pero ang mahalaga doon ay posibilidad ng pagkakakulong kasi ang ordinansang panlalawigan we are allowed na isang taon mag impose ng imprisonment so hinati naming yun ang mungkahi ko ay sa unang huli tatlong buwan, pangalawang huli anim na buwan, pagnahuli ka pa ng panagatlo isang taong ka nang ikukulong kapag nahuli ka more than 3x na huli mo, isang taon ng isang taon.”

Ang panukalang ordinansya ay tinukoy na sa komitiba ng Peace and Order at games and amusement, mag kakaroon ng komitibang pagdinig hinggil dito kung saan iimbitahan ang mga konsernadong ahensya.

Pin It on Pinterest