News

Lalaki nahulihan ng mga baril sa Tiaong, Quezon

Arestado ang isang lalaki sa Tiaong, Quezon matapos mahulihan ng mga baril sa isinagawang search warrant operation ng mga awtoridad, umaga ng September 14, 2023.

Batay sa report ng Quezon Police Provincial Office, sa bisa ng isang search warrant nakuhaan ng mga armas ang suspek na si Edwin Valencia, residente ng Brgy. Behia ng nabangit na bayan at nang walang maipakitang dokumento, dinakip ito at nakapiit ngayon sa kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Nakumpiska sa posesyon ng suspek ang isang yunit ng cal. 45, isang magasin at 5 bala, isang outside holster, isang yunit ng cal. 45 pistol, dalawang magasin at limang bala, isang spare grip cover ng caliber 45, isang inside holster, isang yunit ng carbine at tatlong magasin kasama ang 22 bala.

Bunga raw ito ng pinaigting na anti-criminality campaign ng Quezon PNP at maigting na kampanya Quezon Pulis kontra loose firearms para masiguro ang kaligtasan ng mamamayan at ang paparating BSKE.

Ang naturang operasyon ay sa pinagsanib na pwersa ng mga tauhan PIU Quezon, 1st QPMFC, 405thA MC, Lucena CPS at Tiaong MPS.

Pin It on Pinterest