News

Mga ibon na iligal na ibinebenta, nasagip ng Quezon Maritime PNP

Nasagip ng Quezon PNP Maritime ang 15 piraso na ibon na kung tawagin ay kulasisi sa isang buy-bust operation sa bayan ng Sariaya, Quezon.

Ang mga ibon ay ibinebenta ng walang permit sa pamamagitan ng online transaksyon.

Pasado alas 4:00 ng hapon, April 22, 2023 arestado ng Quezon Maritime police ang dalawang lalaki na suspek sa illegal trading of wildlife matapos silang positibong mabilhan ng ilang tauhan ng Quezon Maritime Police na nagpanggap na buyer ng walang mapaikitang dokumento ang mga suspek sa pagbebenta ng mga ibon kaagad na dinakip ang mga ito.

Batay sa PNP Maritime umabot raw sa tatlong araw ang naging online transaksyon upang mahuli ang mga suspek.

Ang operasyon ay pinamuan ni Plt. Arnel Abrigo sa superbisyon ng kanilang Hepe na si Pcapt. Sidayao JR.

“Ang isa sa aking operative ay nakipagtransaksyon sa mga tao na nagbebenta ng mga iligal wildlife may isang nagcommit napagkasuduan nila ang ibon ay nagkakahala ng dalawang daan kada piraso.”

Nang magkasundo na sa presyo at kung saang lugar magyayari ang bentahan ikinasa na ang buy bust operation katuwang ang ilang tauhan ng Sariaya Police.

“Ito ay bubust operation pumunta kami sa lugar, dumating yong may dala na ano dalawa yung tao na nahuli naming dito.”

Ang mga suspect ay kasalukuyang nasa pangangalaga ng Quezon Maritime Police Station at nahaharapa sa kasong RA 9147 o Illegal Trading of Wildlife.
Batid daw naman ng mga suspek na bawal ang kanilang ginagawa pero depensya raw ng mga suspek dahil sa kawalan ng trabaho kung bakit sila iligal na nagbebenta ng mga ibon.

Ang mga ibon ay itinurn-over sa DENR para sa tamang disposisyon.

Panawagan sa publiko na kapag may alam sa illegal trading of wildlife ay isumbong sa mga awtoridad.

Pin It on Pinterest