News

P130-K crop insurance, ipinamahagi sa Tayabas City

Dalawampu’t siyam na magsasaka sa Tayabas City ang tumanggap ng indemnity claim mula sa Philippine Crop Insurance Corporation sa ginawang check payout nitong Lunes, ika-24 ng Abril.

Ayon na lokal na pamahalaan ng Tayabas, umabot sa higit P132,000 ang halaga ng insurance na tinanggap ng mga magsasaka bilang kabayaran sa napinsalang mga tanim dulot ng nagdaang sakuna o kaya ay naperwisyo ng peste o pagkakasakit ng mga pananim.

Pinangunahan ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso ang pamamahagi ng cheke sa mga claimants katulong ang mga kawani ng PCIC at Office of the City Agriculturist.

Ipinaalala din ng local government na ang pagpafile ng insurance claim ay isinasagawa sa tanggapan na City Agriculture na libre para sa lahat ng magsasakang rehistrado sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA).

Ito ay pagpapatala ng mga magsasaka at mangingisda na nagsisilbing targeting mechanism para sa pagtukoy ng mga benepisyaryo para sa iba’t ibang programa at serbisyong kaugnay sa agrikultura ng pamahalaan.

Pin It on Pinterest