News

Mga murang bilihin ibinababa sa Barangay 11, Lucena City

Sinamantala ng ilang residente ng Barangay 11 sa Lucena City na makabili ng mga murang produkto sa Enhance Kadiwa Project ng lokal na pamahalaan.

Ang residente na si Rob bukod sa mga gulay at iba pang produkto sampung kilo ng bigas ang binili.

‘’Pang sariling gamit sa bahay mas mura dito, mas makakamura po.”

Ibinababa ng Office of the City Agriculturist ng Lucena LGU sa mga barangay ng Lucena City ang mga murang bilihin mula mismo sa mga local farmer sa pamamagitan ng Enhance Kadiwa Project.

Ngayong araw June 9, 2023 nasa Purok Sitio Ravanzo ang kadiwa store, umaga palang tinangkilik na ito ng mga residente.

Bakit nga ba mura ang mga bilihin sa tindahan ng kadiwa? sabi ng Dexter Landicho ang Senior Agriculturist ng City Agriculturist Office direkta kasi sa mga magsasaka ang mga ibinebentang mga produkto, wala ng middle men at ang mga samahan mismo ng farmers ang silang nagtitinda.

‘’Mas mura po kasi direct na pong nagbebenta yung mga farmers natin wala na pong kasi mga additional cost pay po ng transportation tsaka mga middle men.”

Ang lahat ng produktong ibinebenta sa Kadiwa Store ay mura ng hindi bababa sa apat na piso kumpara sa mga pamilihan ayon sa City Agriculture Office sinisiguro nila nagsasagawa sila ng price monitoring bago bumababa sa komunidad ang kanilang Kadiwa Store.

Ang presyo ng karneng manok sa Kadiwa ay nasa 175 pesos lamang per kilo mas mura ito ng fifth teen pesos kumpara sa mga palengke na umaabot sa 190 pesos ang kada kilo.

Mas mura rin ang presyo ng bigas dito. Ang mga bigas ang pinakamabenta sa Kadiwa Store.

Target ng Office of the City Agricuturist na puntahan ang lahat ng Urban Barangay sa Lucena City upang ilapit sa mga residente ang mga murang bilihin na produkto mismo ng mga lokal na magsasaka.

Samot saring agricultural product ang maaring mabili sa murang halaga.

Hindi lang daw iyong mga consumer ang nakikinabang sa proyektong ito magbebenipisyo rin maging ang mga lokal na magsasaka.

Hinihikayat ang mamamayan ng Lucena na tangkilin ang produktong ito.

‘’Abangan po ang pangpunta naming sa inyung mga barangay.”

Sa Enhance Kadiwa Program na ito maari rin daw na dumayo ang mga taga ibang barangay upang mamili sa Kadiwa Store.

Pin It on Pinterest