News

Sunog sa Tayabas City, tinatayang umabot sa 1 Milyong piso ang halaga ng natupok

Umabot sa Isang Milyong Piso ang tinatayang halaga ng natupok na istruktura at ari-arian ng pamilya ni Ex-City Councilor Maphet Jacela base sa pagtataya ng mga tauhan ng Tayabas City Fire Station sa kanilang After Fire Incident Report.

Bandang 6:45 ng umaga ng Sabado, April 15, 2023 ng sumiklab ang apoy sa tindahan ni Jacela sa Quezon Avenue, Barangay San Diego Zone II, Tayabas City na agad namang naitawag sa bumbero.

Rumesponde ang mga tauhan ng Tayabas City Fire Station sa lugar ng sunog kung saan idineklara ang 1st Alarm bandang 6:49am.

Apat na Fire Trucks ang nagtulong-tulong sa pag-apula ng apoy na maswerteng walang ibang nadamay maliban sa minor damages sa mga katabing istruktura habang wala ding naiulat na nasaktan sa insidente.

Bagama’t bahagyang lumaki muli ang apoy sa nasunog na tindahan bandang alas-7:00 ng gabi ay agad naman itong narespondehan ng mga tauhan ng Tayabas BFP at tuluyan ding naapula makalipas ang ilang minuto.

Nagpapaalala naman ang Tayabas City Fire Station at si Mayor Lovely Reynoso-Pontioso ng ibayong pag-iingat sa banta ng sunog lalo na ngayong panahon ng tag-init.

Pin It on Pinterest