Mga pamilya ng dating gumagamit ng droga sa Mayao Kanluran, tumanggap ng ayuda
Tumanggap ang bawat pamilya ng mga Recovering Person Who Used Drugs o RPWUDS sa Barangay Mayao Kanluran sa Lungsod ng Lucena ng ayuda mula sa Pamahaalang Pambarangay.
Ito’y bilang pagtulong Sangguniang Barangay sa ilalim ng pamumuno ni Kapitana Adela Nave sa mga pamilya ng RPWUDs sa lugar.
“Yung ating mga nahuhuling PWUDs yan ay bagama’t nakulong sila wala namang kasalanan ang pamilya diba kaya binibigyan natin ng ayuda yung pamilya.” Ayon kay Kap. Nave
Dagdag pa ng Punong Barangay, ang naturang ayuda ay naglalaman ng bigas, de lata at iba pa na pangunahing pangangailangan ng pamilya ng RPWUDs sa pang-araw araw.
Maliban dito, binibigyan rin daw ang mga RPWUDs sa nasasakupan ng trabaho o kahit extra income manlang para makatulong sa pamilya nito.
“Binibigyan din ng ng trabaho halimbawa kahit magpuputol ng puno diba pag minsan ay lalo na sa mga paputol naman nari ng ating pinipili katulad ngayon yung kaaalis lang magkano yung pagpuputol don 2500 daw hindi ko naman pwedeng baratin at siguro naman ay isang puno yon eh.”
Hindi raw magsasawa ang barangay na tumulong sa kanilang mga RPWUDs para sa tuluyang pagbabago ng mga ito sa dating iligal na gawain.