News

One Family, One Graduate Scholarship Program, Pasado sa SP Quezon

Pasado sa ikalawang pagbasa ng Sangguniang Panlalawigan ng Quezon ang proposed ordinance na “One Family, One Graduate Scholarship Program, isang programa ng Quezon Government na magbibigay ng full scholarship para sa mga mag-aaral na Quezonian na walang kakayahang makapag-aral.

Lahat ng Board Member ng bawat Distrito ng Lalawigan sumang-ayon sa pagpapasa nito, upang maging ganap na lokal na batas o ordinansa.

Sinabi ni Quezon Vice Gov. Anacleto Alcala III na siyang Presiding Officer ng SP Quezon, malaking tulong sa bawat pamilyang Quezonian na walang kakayahan na magkapagpatos ng anak sa pag-aaral ito araw ay kaugnay sa isinusulong na programang pang-edukasyon ni Gov. Doktora Helen Tan na nakapaloob sa kanyang HEALING Agenda.

‘’Kung inyo pong maalala binabanggit po namin sa inyo ito noon, ngayon ito ay naisalang na kanina unanimously approved ang hangarin nito ay sa bawat pamilyang Quezonian ay mayroong isa na ating pagagraduatin provided na siya ay magka-qualify sa mga alituntunin.”

Umaga ng March 13, ng isalang ito sa deliberasyon ng Sangguniang Panlalawigan sa regular na sesyon, bago ito napagtibay dumaan ito sa iba’t ibang katanungan mula sa iba pang kasapi ng legislative body patungkol sa saklaw ng naturang scholarship upang maging mas maayos ang pagpapatupad nito na sa huli ay inapruhan din at nagkaroon ng amendments.

‘’Yung mga alintuntunin, yung mga amendment yung Implementing Rules and Regulation kasi yung ordinansa very generic lang ang nakalagay diyan kailangan ikaw ay taga-Quezon, kailangan sa isa sa pamilya ay wala pang nakakagraduate, kailangan ay indigent, kailangan ay may maintaining grade.”

Ang ordinansang ito ay ipinasok sa ilalim ng komitiba ng Edukasyon na pinamumunuan ni 1st District Board Member Jerry Talaga. Sa magiging implementing Rules and Regulation ay sinigurado ng committee chair ng Education Committee ng SP Quezon na magiging maingat ang lupon at pamahalaan para sa positibong epekto nito sa bawat nangangailangang mag-aaral.

Pin It on Pinterest