News

Mga isada sa Iyam River sa Lucena City, naglutangan

Nagsipaglutangan ang mga isda sa Iyam River, maraming residente na malapit sa ilog ang sinamantala ang pagkakataon na hulihin ang mga ito.

Kanya kanyang diskarte ang mga ito upang makapanghuli tulad ni Jojo sa kalahating oras niyang pangingisda sa ilog, nasa tatlong kilo ng tilapyang arroyo kung tawagin ang kanya ng nahuli.

Ayon sa ilang residente sa lugar, mag-aalas diyes kaninang umaga June 2, ng magsimulang magsipaglutang ang mga isadang ito sa ilog.

Hinala nila dulot ito ng mainit na panahon o di kaya naman daw ay naging kotaminado ang tubig ilog.

Ang nagsipaglutangan na mga isda ay buhay.

Patuloy pang inaalam ng Bandilyo News sa BFAR ang posibleng sanhi ng paglutang ng mga isda sa nasabing ilog.

Samantala buwan ng Sept. noong 2019, daan-daang mga patay na isda naman sa nasabing ilog ang nagsipaglutangan.

Pin It on Pinterest