News

Operasyon para sa Katarata at Pugita, muling umarangkada sa bayan ng Gumaca

Sa pagsisimula ng bagong taon ay muling binibigyan ng bagong pag-asa ang mga nakatatanda sa bayan ng Gumaca na nakararanas ng paglabo ng mga mata dulot ng iba’t ibang kundisyon gaya ng katarata at pugita.

Ngayong taong 2023, sa kasalukuyan ay mayroon nang 12 napaorehan sa katarata, 1 sa pugita at 10 naipakonsulta sa Lucena Eye Center sa Lucena City.

Ang programang ito ay mula sa inisyatibo ni Mayor Webster D. Letargo at libreng ipinagkakaloob sa kanila kasama ang transporasyon, pagkain, konsultasyon at operasyon.

Para naman sa mga nagnanais sumailalim dito ay maaaring makipag-ugnayan sa Office of Senior Citizens Affairs, Brgy. Tabing Dagat, Gumaca, Quezon.

Maaari ding tumawag sa kanilang cellphone number upang makausap ang mga kawani ng tanggapan na sina Simonne Jocelyn Villapando, Margarette Mae Lucero at Allen Grinnell.

Ang pre-screening ay mula sa mga araw ng Lunes hanggang Miyerkules, samantalang Huwebes at Biyernes ang check-up at operasyon sa Lucena Eye Center, Lucena City.

Pin It on Pinterest