News

Seal of Child Friendly Local Governance tinanggap ng Tanauan City

Tumanggap ang Lungsod ng Tanauan ng award mula sa DILG dahil sa mga hakbang nito tungo sa pangangalaga sa mga kabataan. Naging Regional Awardee for 2016 ang Tanauan City ng Seal of Child Friendly Local Governance o SSCFLG bilang ikalawa sa pinaka-Child Friendly na lokal na pamahalaan sa rehiyon.

Ang Seal of Child Friendly Local Governance ay iginagawad sa mga lokal na pamahalaan na nakapasa sa mga panuntunan na itinalaga ng Council for the Welfare of Children na inilunsad noong Oktubre 2014. Ang adbokasiya ay naglalayong pangalagaan ang kapakanan ng mga kabataan at siguruhin ang kanilang kaligtasan sa lipunan.

Bago maigawad ang parangal para sa Child Friendly LGU, kailangang makasunod ang mga lokal na pamahalaan sa criteria na inilatag ng DILG katuwang ang Council for the Welfare of Children. Kailangang pagkakaroon ng kabawasan o kawalan ng pagkakaroon ng death o kamatayan sa mga batang limang taon pababa. Pagbaba o kabawasan ng mga batang mababa ang timbang. Pagtaas ng bilang ng mga batang tatlo o apat na taon na nasa center-based day care services. Mataas na antas ng batang nagtapos sa elementarya. Mababa o kawalan ng kaso ng child labor at iba pang mga panuntunang magpapatunay sa pangangalaga sa kabataan ng pamahalaan.

Pin It on Pinterest