News

Senior citizens na walang social pension, nakatanggap ng tulong sa Guinayangan, Quezon

Nakatanggap ng tulong ang mga senior citizens ng Barangay Calimpak, Guinayangan Quezon sa pangunguna ni Mayor Maria Marieden Isaac, kasama ang Committee Chair on Social Services Anding Sales-Toquire, Office for Senior Citizens Affairs (OSCA) Head Adoracion Arieta, Sangguniang Bayan Members at ang tanggapan ng MSWD sa pamumuno ni Gerry Cleofe.

Samantala, kamakailan naman ay nagtungo ang nasabing grupo sa Barangay Manlayo upang mamahagi din ng kaparehong tulong.

Ang proyektong ito ay para sa mga Senior Citizens na hindi nakakatanggap ng Social Pension.

Taos pusong pasasalamat naman ang ipinaaabot ng mga Senior Citizens dahil sa kanilang tulong na natanggap. Ipinahayag naman ni Punong Bayan Maria Marieden Isaac at Anding Sales-Toquire ang kanilang suporta para sa mga senior citizens.

Pin It on Pinterest