News

P10-K Cash Incentives, Ipinagkaloob sa mga Nonagenarian sa Dolores, Quezon

Ipinagkaloob ng Pamahalaang Bayan ng Dolores, Quezon ang cash incentives na nagkakahalaga ng P10,000 sa mga lolang nonagenarian o yung mga nag-90 years old simula January hanggang March 2023 na mula sa iba’t ibang barangay.

Ang mga lolang nonagerian ay mula sa mga Barangay ng Silanganan, Maligaya at Bungoy ng naturang bayan.

Pinangunahan ni Mayor Orlan Calayag katuwang ang Municipal Social Welfare and Development o MSWD ang nasabing pamamahagi.

Ayon sa Dolores LGU, ang pamamahagi nila ng cash incentive ay bilang pagkilala at pagpupugay sa mga inidibidwal na nakaabot ng 90 years old.

Aniya, isang paraan din ito ng pagpapakita ng kanilang kahalagahan sa pamayanan kasabay ang malaking pasasalamat sa malaki nilang ambag sa lipunan.

Lubos naman ang kasiyahan at pasasalamat ng pamilya ng mga nonagenarian sa ipinagkaloob na cash incentive na malaking tulong sa mga ito para sa kanilang maintenance medicines at iba pang pangangailangan.

Pin It on Pinterest