News

Bagong gusali sa Pagsanjan pinasinayaan

Pinasinayaan naman sa bayan ng Pagsanjan sa Lalawigan ng Laguna ang isang Multipurpose Building na nasa Brgy. Biñan. Gagamitin itong opisina ng Integrated Bar of the Philippines Laguna Chapter at ng SELLAG o South Eastern Laguna Lawyers Group, isang grupo ng mga abugado sa lalawigan ng nagbibigay ng assistance sa mga indibidwal na nangangailangan ng serbisyong legal. Ayon kay Gov. Ramil Hernandez na naging panauhin sa pagpapasinaya ng gusali, malaki ang ginagampanang papel ng grupong SELLAG sa Lalawigan ng Laguna. Base sa research ng Bandilyo TV ay nakakatuwang ng pamahalaang panlalawigan ng SELLAG para umasiste sa mga taong walang kakayanang magbayad ng abugado.

Ang okasyon ay dinaluhan din ni Vice Governor Karen Agapay na isang ring abugado, Atty. Ferdie Ragaza, Laguna Chapter President ng IBP at mga miyembro ng South Eastern Laguna Lawyers Group. Ang lote na kinatatayuan ng gusali ay mula sa donasyon ng namayapang Judge Zorayda Herradura-Salcedo habang ang inisyal na pondo naman ng pagpapagawa sa building ay mula sa opisina ni Senator TG Guingona. Ang nalalabing kakulangan para sa konstruksyon nito ay pinunan naman ng pondo mula sa pamahalaang panlalawigan ng Laguna.

Pin It on Pinterest