P495-k halaga ng shabu, nasabat sa Lucena City
Ikinasa ng Quezon Police Provincial Office ang drug buy-bust laban sa drug suspect sa Lungsod ng Lucena nitong Miyerkules ng gabi, November 30.
Nangyari ang transaksyon sa Purok 2, Brgy Bocohan, kung saan nagbenta umano ng P1,000 halaga ng hinihinalang shabu ang suspek.
Kinilala ang suspek na si Von Eriche Borines Panergo alyas “Von” 35-anyos at residente ng 188 Armando Racelis Avenue Brgy. 3 ng Lucban, Quezon.
Nahuli si alyas “Von” sa pinagsanib na pwersa ng PDEU/PIU-Quezon, PDEA 4A Quezon at Lucena Drug Enforcement Unit.
Narekober sa suspek ang apat na pakete ng hinihinalang shabu, na may bigat na 24.29 grams at nasa P495,516.00 ang halaga sa street value, ang kumpiskado.
Nabawi rin ang P1,000 na buy-bust money at 13 pang piraso ng One Thousand Peso Bill na ginamit naman bilang boodle money.
Nasa kustodiya ng Lucena City Police Station ang suspek na kakasuhan ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.