Paggamit ng fossil fuel sa Quezon, hinihiling na itigil na
Daan-daang miyembro ng grupong pangkalikasan, kabataan, komunidad, katuwang ang simbahan ang nanawagan na itigil na ang mapanirang fossil fuel sa lalawigan ng Quezon sa pamamagitan ng mga prayer rallies sa mga parokya ng Mauban, Pagbilao, at Atimonan.
Ito ay parte ng malawakang pagkilos para sa Global Day of Action sa pangunguna ng grupong WagGas at Power for People (P4P) Coalition sa buong bansa, Nobyembre 15.
Kabilang sa mga parokyang nagsagawa ng pagkilos ay Parokya ni San Lorenzo Ruiz ng Maynila sa Polo, Mauban, Sta. Catalina ng Alexandria sa Bayan ng Pagbilao, at Birhen ng Kapayapaan at Mabuting Paglalakbay sa Ponon, Atimonan.
Ito rin ay panawagan sa resulta ng pag-aaral na isinagawa ng Center for Energy, Ecology, and Development (CEED) noong 2022 na bumagsak sa itinakdang pamantayan ng DENR ang kalidad ng hangin dito. //Rio Mae B. Camanga (contributor)