Paggamit ng Substitution Bilang Taktika sa Politika, Mockery of Election – Atty. Rey Oliver Alejandrino
Ibinahagi ni Atty. Rey Oliver Alejandrino sa programang Batas Con Radyo ng Bandilyo.ph ang paggamit ng ilang kandidato ng substitution bilang taktika para sa darating na eleksyon. Ayon kay Atty. Alejandrino, ang paggamit ng ganitong klase ng taktika ay isang mockery of election o political process.
“Diyan ho ay kita ang tinatawag nating mockery of our election, of our political process,” dagdag pa ng abogado, na bakit daw kinakailangan pa ng ibang tao ang ang mag-file kung papalitan lang din naman.
“Isipin mo naman, pinagfile mo yung inyong driver, hardinero mo tapos ikaw papalit dahil may usapan pang nanaganap na puwedeng ikaw ay palitan o magsubstitute,” sabi pa nito.
Sinabi rin ni Alejandrino na ang ganitong klase ng taktika ay maaaring makagulo sa darating na eleksyon. Ito daw ay isang problema na maaaring makaapekto sa boto ng kandidato.
“Magpa-file sila ng petition for nuisance candidate para guluhin ang eleksyon… Yes, isang problema yan,” ang hirit pa ni Alejandrino.

