News

Lahat ng Kabataan may Kakayahanng Maglingkod sa Bayan -Manong Nick Pedro

“Kinakailangan din ang kaalaman ng mga kabataan sa paglilingkurang bayan” – ito ang naging pahayag ni Konsehal Nicanor “Manong Nick” Pedro Jr. bunsod ng pagdududa ng ilan sa kakayahan ng mga kabataan na nais maglingkod sa bayan.

Ayon kay Konsehal Manong Nick, kinakailangan na rin na sumabay ang pamahalaan sa pag-usad ng panahon.

“Sa katotohanan, kailangan natin yung dynamics ng mga kabataan sa ating paglilingkurang bayan. Iba na ang panahon ngayon, dapat nag-a-adopt sa panahon ang kapiligiran ‘di ba, katulad ng gobyerno” saad pa ng konsehal.

Ikinatuwa naman ni Manong Nick ang maagang pagkatuto at pagkakaroon ng karanasan ng mga kabataan pagdating sa ganitong responsibilidad. Sa murang edad anya ay naibabahagi na agad ng mga kabataan ang kanilang kakayahan.

“Dapat ganoon sapagkat nakakatuwa na maagang natututo, maagang nagkakaroon ng karanasan at maagang napo-provide ng panahon ang kakayanan ng ating mga kabataan.”

Sinabi naman ni Konsehal Pedro na hindi problema ng kabataan ang pagdududa ng iba sa kanilang kakayahan bagkus ito ay problema ng mga hindi nakakaunawa.

Sa kabila nito, hirit naman ni Konsehal Christian Ona na kinakailangan pa rin daw ang wisdom ng nakatatanda upang maging gabay sa mga bagong papasok na henerasyon sa serbisyo publiko at gawaing pampamahalaan.

Pin It on Pinterest