News

Pagiging independent ng mga bata, bahagi sa hinuhubog sa paaralan

Hindi lang kaalamang-intelektwal ang dinidivelop sa paaralan kundi ang pagiging self-reliant ng mga bata, ayon kay Lucena City Schools Division Superintendent Dr. Susan Oribiana.

Sa pagdalo ng pamunuan ng DepEd Lucena sa sesyon ng Sangguniang Panlungsod, sinabi ni Oribiana na ang paghatid at pagsundo sa mga mag-aaral sa West 1 Elementary School ay bahagi ng patuturo ng pagiging independent ng mga bata.

“Kayo po ang naging pag-uusap daw po nila ng mga magulang ay pagkahatid ng mga bata, kailangan hindi muna makita ng mga bata ang kanilang mga magulang para maka-focus ang mga bata sa pag-aaral,” saad ni Oribiana.

“Ang kanila pong hangarin ay ang bata ay masanay na pumupunta sa eskwelahan nang nag-iisa, babalik na lang po ang mga magulang sa oras ng uwian para sunduin ang mga bata, dagdag pa ni Oribiana.

Ayon pa dito, hindi talaga maaaring mag-intay ang mga magulang sa loob ng paaralan sa oras ng klase, ngunit tiniyak nito na babantayan ng mga guro ang kanilang mga estudyante.

Pin It on Pinterest