News

Pagbubukas ng klase naging maayos ayon sa DepEd – Lucena

Naging maayos sa pangkalahatan ang pagbubukas ng klase nitong Martes, August 29 para sa mga pampublikong paaralan sa Lungsod ng Lucena.

Ito ang sinabi ni Lucena City Schools Division Superintendent Dr. Susan Oribiana ng DepEd – Lucena sa bahagi ng information hour ng Sangguniang Panlungsod ng Lucena.

Una nang pinaimbitahan ni Konsehal Nicanor ‘Manong Nick’ Pedro Jr. ang pamunuan ng DepEd – Lucena upang alamin ang mga ginawang plano o kahandaan sa pagbubukas ng klase.

Tiniyak ng DepEd – Lucena na may mga guro sa mga pampublikong paaralan sa lungsod upang makapagbigay ng dekalidad at abot-kayang edukasyon sa mga kabataan.

Inihayag din ni Oribiana na hanggang sa kasalukuyan ay wala pang natatanggap na ulat ang kagawaran ng anumang insidente kaugnay ng pagbubukas ng klase sa School Year 2023 – 2024.

Pin It on Pinterest