News

Pagkilala sa mga natatanging kababaihan mula sa iba’t ibang sector sa Lungsod, isinusulong

Isang Resolusyon ang isinusulong sa Lucena City na hinihimok ang Gender and Development o GAD sa Pamahalaang Panlungsod na magsagawa ng taunang pagkilala sa mga natatanging kababaihan mula sa iba’t ibang sector para sa kanilang mahahalagang kontribusyon sa Lungsod.

Ito ay alin sunod sa Sec. 13.9 at 13.10 Ordinance No. 2638 Series of 2017.

Na naglalayon na bigyan ng pagkilala ang mga natatanging kababaihan sa Lungsod.

Ayon kay Konsehal Beth Sio na siyang author sa nasabing resolusyon, gagawin ang nasabing pagkilala tuwing buwan ng Marso kung saan ipinagdiriwang ng Women’s Month kasabay sa pag sasagawa ng SOBA o State of the Barangay Address.

“Bali ito po ay gaganapin natin tuwing buwan ng Marso in coordination with the celebration of Women’s Month, ganun din po ay gaganapin ito kasabay ng ating pag gagawa ng SOBA o State of the Barangay Address.”

Dagdag pa ng Konsehala, magkakaroon din ng committee bawat barangay maging sa syudad kung saan magsasagawa ng talaan ng mga huwarang kababaihan.

“Bali magsasagawa po sila ng committee per barangay, ganun din po sa syudad, maggagawa po sila ng record ng mga kababaihan sith exemption records kung baga mga achviements and accomplishment.”

Pin It on Pinterest