News

Bagong gusali ng Senior Citizens Center, pormal nang pinasinayaan

Pormal nang pinasinayaan at binasbasan ang bagong gusali ng Senior Citizens Center na matatagpuan sa Government Complex sa Brgy. Comon sa bayan ng Infanta, Quezon nitong Linggo, April 23.

Ang naturang gusali ay upang magkaroon ng maayos at organisadong tanggapan ang mga lolo at lola sa naturang bayan nang sagayon ay mayroon silang mapag-usapan at maisakatuparan ang kanilang mga programa at proyekto.

Ang blessing at ribbon cutting ng bagong pasilidad ay dinaluhan ng mga opisyal ng gobyerno, mga miyembro ng senior citizens federation, mga kawani ng ibat ibang ahensiya ng pamahalaan sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Filipina Grace America.

Naging panauhing tagapagsalita naman sa okasyon si Cong. Rodolfo “Ompong” Ordanes, Senior Citizen Party List Representative at dito ay pinuri niya ang pagsisikap at pagkilala ng lokal na pamahalaan sa mga nakatatandang sektor dahil sa pagpapatayo ng nasabing gusali.

Samantala, binigyan naman ng Sertipiko ng Pagkilala ng Lokal na Pamahalaan ng Infanta ang FISCA Officers ng 2019-2022 sa kanilang pagpupursigi upang maisakatuparan ang kanilang mga hangarin sa pamamagitan ng pagkakaroon ng kanilang Center.

Pin It on Pinterest