News

Petstival itinampok sa Mayohan Festival sa Tayabas City

Limampu’t walong Pet owners kasama ang kanilang pet dogs ang dumalo sa ginawang na Petstival sa Silungang Bayan sa Lungsod ng Tayabas na bahagi ng pagdiriwang ng Mayohan Festival.

Ang Petstival ay taunangktibidad ng City Veterinary Office ng Tayabas na kinapapalooban ng Parada ng mga Aso, iba’t-ibang palaro para sa mga pets, giveaways, freebies, prizes, free snacks, raffle at photo-op sa dog and cat mascots.

Ngayong taon ay ipinakilala ng City Veterinary Office ang kanilang bagong MASCOT na si Bantay (Dog) at si Vetsy (Cat).

Muli ding nagbalik sa Lungsod ng Tayabas si June Lazarte na kilalang Animal Trainer sa bansa kasama ang kanyang mga alagang pets na nagbigay saya sa mga nakiisa sa Petstival dahil sa kanilang mga nakakaaliw na tricks. Nagbahagi din ng mga tips, techniques at mahalagang impormasyon tungkol sa pag-aalaga ng pets si Kuya June Lazarte.

Ang Petstival ay proyekto ng Pamahalaang Lokal ng Lungsod ng Tayabas sa pamamagitan ng City Veterinary Office at isinusulong ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso upang patuloy na mapalaganap ang Responsible Pet Ownership.

Personal na dumalo si Mayor Lovely Reynoso-Pontioso na isang ring pet lover sa Petstival 2023 upang suportahan ang gawaing nagpapalaganap sa pagmamahal sa mga alagang pets.

Pin It on Pinterest