Paglilinis sa tabing ilog ng Brgy. 4, umabot sa 10 sako ng basura ang nakolekta
Nakiisa ang Pamahalaang Barangay ng Barangay Cuatro sa Lungsod ng Lucena sa pangungunani Kapitana Editha Carurucan sa paglilinis ng nasasakupang ilog batay sa inilabas na DILG Memorandum Circular 2023-133.
Ang naturang aktibidad ay bilang bahagi ng isinagawang International Coastal Clean-up Day kamakailan.
Ayon kay Kapitana Carurucan, nilinis ng Sanggunian, kawani ng Barangay at volunteers ang kahabaan ng tabi ng ilog sa kanilang lugar.
Aniya, nasa sampung sako ng basura ang kanilang nakolekta sa paglilinis.
Layon ng paglilinis na mapanatiling ligtas ang kapaligiran at maiwasan ang pagkalat ng mga sakit sa pamamagitan ng wastong solid waste management.
Patuloy naman ang panawagan ni Carurucan sa mga residente na tumalima sa batas partikular sa RA9003.