Pamahalaang Lokal ng Mulanay, handa na sa Cocolunay Festival
Sa bayan ng Mulanay, nakahanda na ang pamahalaang lokal para sa pagdiriwang ng CocoLunay Festival 2025 na magsisimula sa ika-27 ng Enero hanggang ika-3 ng Pebrero.
Isa sa mga inaabangan dito ang Agri-Tourism Booth competition na lalahukan ng mga barangay. Ang mga magiging contestant dito ay bibigyan ng 3×3 meter na booth area para gumawa ng disenyo at ihanay ang mga produkto. 80% ng mga materyales na gagamitin sa dekorasyon ay dapat mula sa niyog.
Bukod sa konsepto at disenyo ng booth, kabilang din sa magiging criteria ang nilalaman, sustainability, at kalidad ng ipinagmamalaking produkto.
Magwawagi ng P50,000 ang tatanghaling kampeon sa patimpalak habang P30,000 at P20,000 naman ang maiuuwi ng 1st at 2nd runner up.
Bukod sa naturang kompetisyon, ilan sa pa sa inaabangang aktibidad dito ay Kalamay Cooking Contest, Baylehang Bayan, at Grand Parade and Street Dancing Festival.