News

Palutang-lutang na bangkay ng babae, natagpuan sa isang ilog sa Tiaong, Quezon

Isang bangkay ng hindi pa nakikilalang babae ang natagpuang palutang-lutang sa Bula San Antonio River, Barangay Bula sa bayan ng Tiaong, Quezon nitong Linggo, January 8.

Ayon sa report ng pulisya, itinawag ng isang concerned citizen sa himpilan ng pulisya hinggil sa pagkakadiskubre sa isang katawan ng babae na palutang-lutang sa naturang ilog bandang alas 8:45 ng umaga.

Base pa sa pagsusuri ng pulisya, ang babaeng biktima ay may tangkad na 168 cm at nakasuot ng itim na leggings at peach na t-shirt.

Nakatali rin ang magkabilang kamay nito gamit ang duct tape at may sinturong leather na nakatali sa leeg nito.

Sa ngayon, patuloy ang imbestigasyon ng awtoridad upang matukoy ang suspek sa pagkasawi ng biktima.

Pin It on Pinterest