News

Bentahan ng Karne, humina sa unang araw ng Kuwaresma

Bahagi ng sakripisyo ng isang katoliko sa pagpapalagay ng krus na abo sa noo tuwing abo ng miyerkules ay ang hindi pagkain ng karne bilang pag-aayuno sa pagunita ng kuwaresma o pag-alala sa naging sakripisyo ni Hesukristo.

Noong araw na iyon, aminado ang ilang maninindahan ng karne sa Lucena City Public Market na humina ang kanilang benta, naging matumal ang mamimili ng karne sa meat section ng pamilihan.

Ang Ash Wednesday ay simula ng panahon ng Kuwaresma, 40 araw na paghahanda bilang pakikiisa sa pagpapasakit, kamatayan at muling pagkabuhay ni Hesus, kung saan sa panahong maraming mananampalataya ang nagsasakripisyo sa pamamagitan ng pag-aayuno o fasting o hindi pagkain ng full meal sa araw ng miyerkules at biyernes lalo sa pagkain ng karne, hanggang sumapit ang linggo ng pagkabuhay.

Ang hindi pagkain ng karne sa mga araw ng pag-aayuno sa panahon ng Kuwaresma ay may epekto sa maninindahan ng karne, base na rin sa mga nagdaang panahon ramdam nila ang mababang benta lalo na noong araw.

Pero sa paglaon patungo sa makabagong panahon tila marami na ang hindi sumasabay sa tradisyong ito ng mga katoliko, marami na ang kumakain ng karne sa mga itimakdaang araw ng pangilin lalo na sa mga kabataan.

Sabi ng ilang maninindahan bagamat nagiging matumal sa panahon ng kuwaresma, ngayon bumenbenta pa rin naman sila, hindi gaya noong mga nagdaang panahon.

Pin It on Pinterest