News

Publiko hindi daw dapat manggamba sa mga insidente ng pamamaril sa Lucena City

Wala raw dapat ipangamba ang publiko sa mga nangyaring shooting incident sa Lucena City, bagamat naging sunod-sunod noong nakaraang linggo ang insidente ng pamamaril ng mga de motorsiklong salarin kung saan apat ang nasawi, 2 ang sugatan, sinabi ni Pl. Col. Ericson Roranes isolated lamang daw ito.

Nagkataon lamang raw at nananatiling kontrolado ng mga awtoridad at maayos parin naman ang peace ang order situation sa kabuuan sa Lucena City.

Umaga ng May 22, humarap ang nasabing opisyal ng Lucena PNP sa mga opisyales ng Lokal na Pamahaalan sa Sanguniang Panglungsod ng Lucena upang magbigay paliwag sa nangyaring ito sa syudad at tanungin sa mga ginagawang hakbang upang kahit paano ay hindi na ito maulit.

Sinabi ni Roranes na mas dinoble ngayon sa Lucena City Police visibility araw at gabi.

Araw at gabi rin daw nagsasagawa sila ng random checkpoint. Pinaigting daw nila ang paninita sa mga mag-kaangkas lalo kung parehas na lalaki lalo na sa mga ginagamit na motorsiklong kahinahinala.

Majority ng kapulisan sa Lucena City ay nasa lansangan, may karagdagang kapulisan din sa lungsod na mula sa ibang bayan dito ay nakadeloy, may blue rider na tinatawag na umiikot sa iba’t ibang lugar sa Lucena City, bukod pa ang binuong tracking team.

Mas madalas daw ang ginagawa nilang oplan sita, pinalawig ang pagmamanman sa mga posibleng gun for hire.

Unang nasabi ni Chief of Police ng Lucena City sa Exclusive Interview ng Bandilyo News na may kaugnayan sa iligal na droga, bentahan ng lupa at utang ang tinitingnang motibo sa pamamaril.

Posibleng hindi ito raw magkakaugnay.

Pin It on Pinterest