News

Panibagong taas-presyo ng produktong petrolyo, kinondena ng ilang tricycle driver sa Lucena City

Kailangan na namang maghigpit ng sinturon.

Ito ang naging reaksiyon ng ilang tricycle driver sa Lungsod ng Lucena matapos na namang magkaroon ng pagtaas sa presyo ng petrolyo sa bansa nitong Martes, March 7.

“Oo ganon ang mangyayari, laging taas ang presyo ng petrolyo ang pasahe naman ay hindi nataas ganon din pababa pa”, sabi ni Jeffer.

“Ay sigurado po unang una yung pasada namin kalahating araw lang tapos magmamahal pa ang presyo ng petrolyo edi napakalaking kabawasan po sa amin yon”, ayon kay JR.

“Malamang gawa ng walang kinikita ang mga tricycle dahil sa half day half day na yon eh”, pahayag ni Larry.

Anila malaking dagok na naman ito sa kitaan ng kapwa niya driver at operator at kahit nakaranas ng pagbaba sa presyo nito noong mga nakaraang linggo ay hindi rin naman ramdam dahil sa taas din ng iba pang mga pangunahing bilihin.

Bagama’t maayos naman ang kanilang pamamasada ay aminado si Larry na hindi na katulad ng dati ang kanilang natitipid lalo na sa mga kapwa niyang mayroong mga anak na pinapaaral kaya’t todo ang kanilang pagsisikap sa ngayon upang matugunan ang kanilang mga pangangailangan.

“Oo malaki talaga, tsaka talagang lalo na kapag may estudyante ka talagang hindi ka makarecover masyado sa panahon ngayon”, sabi ni Larry.

Pin It on Pinterest