News

Magkakaroon ng SIM Card Registration Assistance Booth sa bayan ng Infanta.

Magkakaroon ang SMART Communication, Inc. sa pakikipag-ugnayan ng Lokal na Pamahalaan ng Infanta ng tatlong (3) araw na SIM Card Registration Assistance Booth para sa mga residente ng Infanta.

Ito ay upang matulungan ang mga Infantahin para sa pagpaparehistro ng SIM CARD alinsunod sa Republic Act No. 11934.

Layunin ng batas na ito na mabawasan ang mga krimen at mga panloloko na isinasagawa gamit ang mga spam message o text messages.

Magsisimula ang SIM Card Registration Assistance Booth mula Lunes hanggang Miyerkules, January 9 – 11, 2023, ganap na ika-8 ng umaga hanggang ika-5 ng hapon sa Municipal Grounds ng nasabing bayan.

Magdala lamang ng Valid government-issued ID na may picture o barangay certificate.

Kaugnay nito, ipinaalala ng kagawaran para sa mga interesadong indibidwal na magsuot ng face mask at tumalima sa physical distancing bilang pag-iwas sa pagkakaroon ng COVID-19.

Pin It on Pinterest