News

Plebisito, walang kinalaman sa pagiging lone district — Manong Nick Pedro

Walang kinalaman ang plebisito sa pagiging lone district ng lungsod ng Lucena.

Ito ang binigyang diin ni konsehal Nicanor ‘Manong Nick’ Pedro Jr. sa pagsasalita sa Sangguniang Panglunsod umaga ng Lunes, October 3, 2022.

Ayon pa sa majority floor leader ng Sanggunian, pilit lang daw ipinapasok ang usapin ng plebisito sa pagiging lone district ng siyudad upang gumulo ang isyu, sinasabi daw ito sa ilang mga forums ng mga hindi pumapayag sa panukala.

“… ang opinyon ko d’yan, kaya sinasabi yan [pagkakaroon ng plebisito] ay para gumulo…”

Kahit anya tingnan ang batas sa pagkakaroon ng isang lone congressional district ay walang makikita tungkol sa pagkakaroon ng plebisito bilang requirement.

“… wala hong kinalaman [ang plebesito] kahit na tingnan pa ang mismong batas tungkol sa lone district, tingnan nila at wala silang makikita ni isang salita tungkol sa plebisito…”

Pin It on Pinterest