News

Presidential Aspirant Sen. Panfilo Lacson, Hindi Nababahala sa Survey

Hindi daw natitinag si Presidential Candidate Sen. Panfilo Lacson sa mga resulta ng mga survey.

Sa panayam ng mga media sa pagbisita nito sa Lucena City kaninang umaga, Pebrero 28, natanong si Lacson kung nababahala ba ang senador sa mga survey result kung saan pang-apat ito sa huling survey ng mga presidentiable candidate.

Sinabi ng kandidato sa pagkapangulo na ang tinitingnan niyang result ay ang May 9 Election.

‘’Hindi ako nababahala sa mga surver result kasi sa totoo lang na dapat tingnan ‘yong sa May 9,” ani Sen. Lacson.

Humarap sina Presidential Candidate Sen. Panfilo Lacson at Vice Presidential Candidate Sen. Vicente Sotto III, kasama ang kanilang mga senatorial bets, sa iba’t-ibang sector sa lalawigan ng Quezon sa St. Anne sa Lucena City para sa isang talakayan.

Dito inihayag ng Lacson-Sotto tandem ang kanilang mga plataporma at mga planong gawin sakaling mahalal. Budget Reform Advocacy for Village Empowerment (BRAVE) kung kanila ay tawagin ang pangunahing kampanya ng Lacson-Sotto tandem. Sinabi ni Lacson, nilalaman ng BRAVE ang mga programang direktang makakatulong sa mamamayan at maging ng mga local government unit.

Sinagot din ng magka-tandem ang ilan sa maiinit na usapin ng bansa gaya ng pagpapatigil sa online sabong hingil sa issue ng mga nawawalang sabungero na patuloy daw nila itong iniimbistigahan sa senado.

Kanina, kinumpirma ni Senate President Vicente Sotto III na pumayag na si Pangulong Rodrigo Duterte na suspindihin ang operasyon ng mga e-sabong o online sabong kaugnay pa rin ng patuloy na imbestigasyon ng senado sa pagkawala ng 31 sabungero. Binisita rin ng Lacson-Sotto tandem ang Fish Port sa Lucena City, kung saan nakausap nila ang mga mangingisda at mga nagtitinda sa palengke at tinatanong ang mga lokal na problema.

Pin It on Pinterest