News

Presyo ng sibuyas sa pamilihan ng Lucena City, bumaba na sa P300

Bumaba na ngayon sa P300 ang kada kilo ng sibuyas sa Lucena City.

Bagama’t magandang balita para sa mga mamimimili, sabi nila nanatili pa rin na mataas ang presyo nito kumpara noong mga nakaraang panahon na umaabot lamang ng halos 200 piso ang kada kilo.

“Ah oo mabababa na nga, mataas pa rin sa 300 dapat ang sibuyas ang pinakamataas ay dalawang daan,” sabi ng mamimiling si Aling Petang.

Sa ilang pwesto, 250 pesos na lang ang kilo, medyo ok na rin daw ito sabi ng mamimiling si Grace kaysa naman sa presyo noon na tila ginto.

“Magkano ang kilo ngayon? 250 pa ang kilo, ok na rin kaysa naman sa 700,” sabi naman ni Grace.

Noong mga nakaraang buwan lamang, umabot ang presyo ng kada kilo ng sibuyas sa naturang pamilihan sa P700.

Kaya namn ang ilang maninindahan noon humanap ng ibang variety ng sibuyas na mas mababa nang kaunti ang halaga upang kahit paano ma-afford ng masa.

Sibuyas na maliit na may kasamang dahon, sibuyas na Batanes kung tawagin ng ilan, ang kanilang itininda.

“Batanes, 180 ang kada kilo, kaysa bibili ka ng 300, 400 ang kilo iyan ang afford ng tao,” sabi ng tinderong si Ramil.

Kaya lang sabi ng ilang tindera kung ikukumpara mas masarap raw ang sibuyas na karaniwang binibili ng tao na umabot sa 700 piso ang kada kilo.

“Mas masarap iyong mahal kumpara doon sa may tangkay,” sabi ng tinderang si Angelita.

Pin It on Pinterest