News

PWD Artist sa Lucena City, Gumuguhit ng Larawan ng Ilang Opisyal ng LGU Bilang Token of Appreciation

Bilang amateur artist, mapapabilib ka sa kanyang talento sa pagpipinta. Bata pa lang daw, mahilig nang gumawa ng iba’t ibang obra sa pamamagitan ng pagguhit ang ngayo’y 29-anyos na dalagang si May Danjo Mendoza Paculanan, residente ng Purok Pagkakaisa Uno, Barangay 8, Lucena City.

Hindi naging hadlang ang pagkakaroon n’ya ng valvular heart disease, isang kondisyon sa puso, upang maging mahusay na charcoal and graphite portraits artist. Gumuguhit din daw siya gamit ang iba’t ibang pang pamamaraan gaya ng water color, mga anime ang gusto niyang iguhit.  Pangarap niya na maging animator.

“Hindi ko po siya pinag-aralan, bale sariling ano ko lang, t’saka na-i-inspire din ako sa ibang artist,” pahayag ni May Danjo Mendoza Paculanan.

Sa ngayon, charcoal and graphite portraits ang kanyang mga obra. Gamit ang charcoal and graphite pencil samu’t saring larawan na ang kanyang naiguhit. Bagamat libangan lang, ang talentong ito kung minsan napapakinabangan niya para punan ang kakulangan sa gamutan ng kanyang karamdaman.

“Kapag may client lang po saka lang po ako nagda-drawing,” sabi ni Paculanan.

Samantala, dahil sa kabilang siya sa sektor ng Person with Disability, ang talentong hinubog niya simula pa pagkabata, ginagamit na ngayon bilang pasasalamat sa mga programa ng lokal na pamahalaan sa kanilang sektor. Ang kanyang talento sa pagguhit ay ginamit niyang sukli bilang pasasalamat sa nanunungkulan sa syudad. Sa pagbibigay raw malasakit sa kapwa niya PWD, gumuguhit siya ng larawan ng mga ito bilang token of appreciation.

“Nagpapasalamat na rin po sa kanila, sa mga gagawin pa po rin nila sa amin po. Lagi rin po silang nagbibigay, so ako po parang time ko para magbigay sa kanila ‘yung talent ko..maibigay ko sa kanila yung gusto ko,” saad ni Paculanan.

Una na niyang ipininta ang lawaran ni Lucena City Youth Ambasador Mark Alcala, at inabot niya ang larawan sa isang pagtitipon. Ida-drawing na rin niya ang Ama ng Lucena City na si Mayor Roderick Alcala iaalay bilang larawan bilang sukli sa pagkalinga sa kanilang mga PWD ng Lungsod.

“Noong una si Kuya Mark lang po talaga dapat, pero noong makita ‘yung kanilang plataporma, ‘yung mga gusto po nila sa mga tao, yung gusto ko na sila i-drawing lahat, PLAN ON FB”

Isa sa natapos na nitong i-drawing ay si Lucena City Councilor Nicanor Pedro, bilang pasasalamat daw nito sa Konsehal sa pagsusulong nito sa mga pondo na makakatulong sa programa hindi lang para sa kanilang sektor maging sa mamamayan ng syudad.

“Sabi po kasi ni Mayor Dondon Alcala po, bale pinagtanggol po n’ya ang ayuda para sa tao ni Sir Manong Nick po, masaya po kasi may nagtatanggol sa tao.” Hindi raw ito pagpapakita ng suporta para sa isang halalan. Sinabi ng dalaga, ito raw ay pamamaraan niya bilang pag-appreciate sa mga programa ng lokal na pamahalaan partikular sa sektor ng PWD sa pamamagitan ng kanyang talento sa pagguhit na inihahandog niya bilang token of appreciation. Samantala, ang kanyang talentong ito, bukod sa kanilang maliit na negosyo ay nagagamit  na rin n’ya bilang source of income bilang tugon sa kanyang pangagailangang medical, tumatanggap na rin daw siya ng mga kliyente para pagpipinta.

Pin It on Pinterest