News

Rep. Baguilat: Kalikasan, Karapatan at Rural Development, Mahalagang Aspeto ng Lipunan

Iginiit ni Senatorial Aspirant at kasalukuyang Ifugao Representative Teddy Baguilat Jr. na mahalaga ang tatlong aspeto ng lipunan, ang kalikasan, karapatan at rural development na kung saan tumuon ang kanyang adbokasiya.

Sinabi ito ni Baguilat sa eksklusibong panayam ng ‘Usapang Tapat ni Manong Nick’. Aniya, ang kalikasan, karapatan at rural development ay makabuluhan sapagkat konektado ang mga ito.

“Sa akin kasi, ang tatlong nabanggit mo Manong Nick, konektado yan. Kinakailangan mo ng rural development, importante yan para matugunan yung karapatang pantao ng mga mamamayan, kasi ang karapatang pantao hindi lang naman kontra ka sa EJK,” ani Rep. Baguilat.

Mahalaga din daw na magkaroon ng karapatan ang mga mamamayan tulad ng karapatan sa kabuhayan at edukasyon upang magkaroon ng rural development.

Nakakonekta naman daw ang rural development sa kalikasan sapagkat kapag nagkaroon ng problema sa kapaligiran ay sabay nitong naaapektuhan ang development ng mga rural communities.

Sinabi rin Baguilat na hindi lang mahalaga ang karapatang pantao kundi mahalaga din ang karapatan ng kalikasan, ang karapatan na maalagaan ito.

“Buhay yan eh, hindi yan static, it’s a living thing, nilikha ng ating Panginoon so meron ring karapatan na siya ay pangalagaan,” ani Rep. Baguilat. Ito ang ilan sa adbokasiya ni Teddy Baguilat Jr. na naging Konsehal, Mayor at Congressman sa Ifugao at kasalukuyang ngayong tumatakbo sa pagka-Senador.

Pin It on Pinterest