News

Enhanced Kadiwa Project ng gobyerno, malaking tulong sa mga local producer ayon sa hepe ng Lucena City Agriculturist Office

Nagbebenepisyo sa Enhanced Kadiwa Project ng pamahalaan ang mga local producer ng mga maliliit na produkto maging ang mga mamamayan sa Lungsod ng Lucena na ngangailangan sa gitna ng nararanasang inflation.

Ito ang sinabi ni OIC-City Agriculturist Office Jirah Lou Merano, sa harap ng mga opisyal at mga kawani ng lokal na pamahalaan ng Lucena sa isinagawang regular na flag raising ceremony nito.

Ayon kay Merano, sa pamamagitan ng Kadiwa ay nabigyan ng market ang mga lokal na producer at nagkaroon ng lugar na mapagbebentahan ng kanilang mga produkto.

AVC 3:11 “We launch na 1st LGU in Quezon to implement the Enhanced Kadiwa kung saan hindi lamang po ang ating mga magsasaka ang makikinabang sa proyektong ito kundi po ang ating mga fellow Lucenahins na makabili ng proyektong agrikultura sa mas murang halaga.”

Inilunsad kamakailan ng Lucena LGU ang Enhanced Kadiwa Project na kung saan hindi lamang daw nagbibigyan ng pagkakataon ang Lucenahin na makabili ng mga bilihin sa mas mababang presyo kundi nakatulong din aniya ang Kadiwa sa mga magsasaka.

Ang Enhanced Kadiwa Project ay umiikot sa iba’t ibang barangay sa lungsdo upang ibenta ang mga inaning gulay, prutas, at iba pang produktong agrikultura ng mga magsasaka. Sa pamamagitan nito matutulungan ang ilang magsasaka na maibenta ang kanilang paninda.

Pin It on Pinterest