News

Risk Vulnerability Survey ng BFP Lucena, isinagawa sa Brgy. 9

Nagsagawa ng Risk Vulnerability Survey at OPL Data Consilidation ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection o BFP sa Barangay 9 sa Lungsod ng Lucena.

Ito’y upang mapag-aralan ng BFP Lucena at kung ano ang mga dapat gawin sa isang komunidad sakaling may hindi inaasahang sunog.

“Pumunta po sila sa amin at sila po ay nagsurvey at tiningnan nila kung saan risk ang mga tao ang mga lugar tulad po ng mga lugar ng Ipil 1 kung saan ang mga kabahayan ay lapit-lapit at tsaka po ang mga light materials tiningnan po nila sa pagkakaroon ng sunog saan ba sila pwedeng pumunta at saan sila pwedeng lumusot upang ang tao na nasusunog ang bahay ay mabigyan nila ng kaukulang lunas o mapatay ang sunog sa pamamagitan ng kanilang mga dalang tubig”.

Ayon kay Kapitana Filipina Flancia, bukod sa isinagawang survey, nag-inspeksyon rin ang BFP Lucena para sa mabilisang pagresponde sa lugar kung may sakuna gaya ng sunog.

“Tiningnan din po nila ang mga bahay sa Milagrosa kung saan ganon din po yun mga light materials tiningnan po nila ang daan kung passable sa kanilang truck, ang isa pa po ay sa maulawin na kung saan ang problema ay yung mga truck ng La Suerte ang lalaki po ng truck doon”.

Aniya, importante raw ang pagbisita ng BFP Lucena sa kanilang barangay upang mabuksan muli ang kamalayan ng mga residente nito.

Sa ngayon, patuloy ang “Oplan-Ligtas na Pamayanan” program ng BFP kung saan magpapa-alala ang mga bombero sa komunidad para makaiwas sa sunog.

Pin It on Pinterest