News

SP Quezon nagpasa ng kautusang panloob, laban sa hawahan COVID-19

Nagpasa ng kautusang Panloob o pang-opisana ang Sangguniang Panlalawigan ng Quezon ng mga alituntunin upang makaiwas sa hawahan ng COVID-19 bunsod ito ng mga tala sa pagtaas muling ng mga kaso ng naturang sakit.

Mga alituntunin gaya ng pagsusuot ng face mask sa loob ng kanilang bulwagan at iba pa.

‘’Kung wala naman pong mga objection kung ok po sa inyo tayo po ay magpapasa ng kautusang pang opisina po natin na magkakaroon po ulit tayo ng alituntunin ng pagtugon sa hihingin sa atin ng IPHO.”

Sa other matters sa regular na session ng SP Quezon umaga ng May 8, 2023 isinagawa ang naturang kautusang panloob na ipinanukala ni Quezon Vice Governor Anacleto Alcala III na siyang Presiding Officer ng Sangguniang Panlalawigan.

‘’Yung nga pong dumadaming bilang ng COVID Cases siguro ay nagiging relax tayo icoconsider natin na magpasa ng isang memo lalo na sa pagconduct ng committee hearing yung tamang spacing medyo ulitin natin but not strictly as before medyo lilimitahan lang po natin muli balikan po natin yung mga protocol.”

Samantala, noong nakaraang Sesyon iminungkahe ng bokal ang pagpasa ng sangguniang Panlalawigan ng isang resolusyon na humihimok sa punong-ehekutibo ng probinsya na ibalik ang mandatoryong pagsusuot ng face mask sa mga opisina sa Kapitolyo at muling pagtatalaga ng mga disinfection areas.

Ito ay upang maagapan umano ang patuloy na pagtaas ng bilang ng nagkakasakit ng COVID-19 at maihanda na din ang publiko kung sakali mang mapalawig sa buong lalawigan ang mga hakbangin na ito.

As of May 8, sa ulat ni Bokal Aquivido ang chairman ng Committee on health ng Sanguninang Panlalawigan base raw sa tala ng Quezon Provincial Health Office may 103 aktibong kaso ng COVID-19 sa buong lalawigan mula ito sa 44, apat lamang noong nakaraanng linggo.