News

Number 1 Most Wanted Person ng Lucban, arestado sa kasong murder

Naaresto na ang tinaguriang Rank Number 1 Most Wanted Person ng Lucban, Quezon matapos ang dalwampu’t tatlong taong pagtatago dahil sa kasong ‘Murder’ sa isinagawang joint operation na ikinasa ng Lucban Municipal Police Station at Talisay Municipal Police Station sa Brgy. Zone 3 sa Talisay, Batangas nitong Sabado, April 1.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si Artemio Culili alyas Timi, 52-anyos at residente ng nasabing lugar.

Naaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyo ni Hon. Judge Eleuterio Guerrero ng Regional Trial Court, Branch 60, Lucena City sa kasong nabanggit sa ilalim ng criminal case No. 2000-89 na walang inirekomendang piyansa.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek para sa tamang disposisyon.

Pin It on Pinterest