Atimonan Zigzag Park, Isinaayos
Kamakailan ay binisita ang Atimonan Zigzag Park ni Designated Tourism Officer Atty. Elvis Uy kasama si General Service Officer Merlina Macararanga at iba pang staff mula sa GSO at Tourism Office.
Ito ay upang suriin ang mga kagamitan at iba pang tanawin sa parke na maaaring pang maisaayos at mas mapaganda.
Kilala ang Atimonan Zigzag Park sa natural nitong ganda, makikita dito ang naglalakihang puno, iba’t ibang uri ng halaman at ang Mount Pinagbanderahan kung saan madalas na inaakyat ng mga turista.
Samantala, kasunod sa isinagawang pagbisita sa nasabing parke ay nagsagawa din ng general cleaning sa Atimonan Zigzag Park.
Layunin ng aktibidad na ito na muling mapaganda ang nasabing lugar, sa pamamagitan ng pagrerepair at pagpipintura sa mga tanawin na makikita sa Atimonan Zigzag Park.
Suportado naman ang gawaing ito ni Mayor Ticoy Mendoza at ng Sangguniang Bayan sa pangunguna ni Vice Mayor Zenaida Danseco Veranga sa mas maayos at magandang parke para sa bayan ng Atimonan.