Unahin ang pagtawag ng responde bago kumuha ng mga video sa mga sakuna, panawagan ng BFP Lucena
Nanawagan ng Bureau of Fire Protection sa publiko na unahain ang pagtawag sa kanilang himpilan o sa mga awtoridad sakaling magkaroon ng sunog sa kanilang mga lugar upang kaagarang marespondehan at maapula ang apoy.
“’Pag may sunog imbis na tayo ay mag-video muna itawag kaagad natin sa mga kinauukulan lalong-lalo na sa BFP para kaagad tatakbo ‘yung mga fire trucks natin makaresponde kaagad,” sabi ni FSupt. Aurello Zalun ang Fire Marshal ng Lucena BFP.
Tila raw kasi nakakasanayan na ng marami ang pagkuha muna ng video o mga larawan sa mga nakikitang aksidente o trahedya bago humingi ng saklolo.
Samantala, sinabi ni FSupt. Aurello Zalun, Fire Marshal ng Lucena BFP, ang sunog ay walang pinipiling oras, lugar at panahon kaya silang mga bumbero kahit panahon na ng tag-ulan mas pinaiigting pa rin ang paalala sa publiko hingil sa dalang traheya ng apoy sa mga ari-arian at buhay ng tao.
Ang mga nasa establisyemento o tahanan mismo ang unang magsasalba sa kanilang mga buhay at ari-arian laban sa sunog sa pamamagitan ng mga pag-iingat, halimbawa ng pagkakaroon ng proper housekeeping.
“Gawin nating habit ‘yung proper housekeeping kasi minsan ‘yung mga combustible at flammable ay nasa loob ng bahay na dapat nasa labas po ‘yan para kapag nagkaroon ng sunog hindi ganoon kadali o mabilis ang kalat ng apoy.”
Imporatante raw na may fire plan ang isang pamilya sa kanilang bahay, alam kung saan dapat lalabas at saan magkikikita sakaling sumiklab ang trahedya.
At huwag daw na makasanayan na i-lock ang bahay kung walang susi ang mga taon maiiwanan sa loob.
Ang panawagan ay bunsod ng nangyaring sunog noong October 25 ng gabi sa Barangay Ibabang Dupay kung saan isang 11-anyos na batang lalaki ang nasawi ng ma-trap sa loob ng bahay nang iwanang mag-isa ng kanyang nakakatandang kapatid.