News

Unang araw ng Pagbabalik Eskwela, maraming estudyante ang hindi nakapasok bunsod ng ulan

Sa unang araw ng pagbubukas ng klase ng mga estudyante January 4, 2023 matapos ang holiday vacation, masamang panahon at halos tuloy-tuloy na pag-ulan ang sumalubong sa mga mag-aaral.

Maraming estudyante tuloy ang hindi nakapasok sa unang araw ng pagbabalik eskwela.

Sa West 1 Elementary School ang pinakamalaking pampublikong paaralan sa Lucena City, may mga batang mag-aaral ang hindi nakapasok ngayong araw lalo ang mga kinder at grade one students.

Sa klase ni Teacher Erika sa 36 na estudyante nya sa Grade 1, 14 ang hindi nakapasok.

‘’Maraming Absent no? yes po maraming absent kasi po medyo maulan kapag maulan kasi ay ganoon hindi maasahan na 100% na pumapasok, yung iba po nagmessage na hindi makakapasok na dahilan ay baha sa kanila, yung iba naman ay maulan, inuubo”, sabi ni Teacher Erika.

Ganoon pa man, tuloy ang klase at regular na ang pagtuturo sa unang araw ng pagbabalik eskwela.

‘’ang bata po at regular na nandito sa School yoon naman po ay nakalagay at naibalita narin po at bago po magsarahan nasabi na ang balik nila ay January 4”.

Pero nauunawaan naman daw ng pamunuan ang sitwasyon ng mga batang hindi nakapasok sa unang araw ng muling pagbubukas ng klase.

“Pinapayagan naman po sila at yon naman po ay sinabi namin sa magulang na sa kanila pa rin yung desisyon, malakas ang ulan may mga bata po na nakatira po ay sa malalayong lugar, nabaha daw po sa kanila kaya hindi na nakapasok”

May 4,353 na mga estudyante ang West 1 Elementary School mula sa Kinder hanggang Grade 6, marami sa mga hindi nakapasok ngayong araw sa naturang paaralan ay ang mga mag-aaral mula Kinder at Grade 1, 70-75 % na mag-aaral sa nasabing gradel evel ang pumasok sa eskwela

“90 – 95 % naman ang mga pumasok na mga mag-aaral ng grade 3 hangang grade 6”.

Samantala ganito rin ang sitwasyon sa iba pang pampublikong paaralan sa Lucena City.

Pin It on Pinterest