News

Libreng Medical Consultation, handog sa mga Tayabasing Canvassers

Mahalagang maalagaan ang kalusugan, dahil sa bawat araw ng pagdayo sa iba’t ibang bayan para magkambas at kumita ng ikabubuhay.

Nais siguraduhin ng Lungsod ng Tayabas na makakauwing sa pamilya ng ligtas at buhay ang bawat Tayabasing Canvassers.

Nagtakda ang Office of the City Mayor-Mobile Health and Medical Emergency Response Team (OCM-MHMERT) ng pagsasagawa ng libreng medical consultation at pagbibigay ng kaukulang gamot, libreng laboratory and diagnostic services kagaya ng CBC, blood typing, urinalysis, ECG, chest x-ray at pagpapaschedule ng ultrasound.

Kasama rin dito ang pagtatalakay ng eksperto tungkol sa hypertension at diabetes para sa mga Tayabasing Canvassers na gaganapin sa Casa Communidad 8:00am – 2:00pm sa May 10, 2023.

Maaaring magparehistro ang mga Kambaser sa pamamagitan ng pag-message sa Facebook Page ng MHMERT o tumawag sa mga numerong kanilang ibinigay 042-3734074, pagtext o pagtawag sa 09452971576.

Limitado lamang sa 200 katao ang slots, kaya samantalahin ang Tayabas Canvassers Health Wellness Day Mobile Services.

Pin It on Pinterest