Lucena City, walang naitalang sunog na may kaugnayan sa pailaw at paputok sa pagsalubong sa Bagong Taon
Ikinatuwa ng Bureau of Fire Protection o BFP sa Lucena City na walang sunog na naganap na may kaugnayan sa paputok at pailaw sa pagsalubong sa Bagong Taon.
Ayon kay Fire Superintendent Aurelio Zalun, ang City Fire Marshal ng BFP Lucena, marami nang taon sa history na wala silang nirespondehang sunog na may kaugnayan sa paputok at pailaw.
Aniya, karamihan sa mga naitalang insidente mula noong Pasko hanggang Bagong Taon ay vehicular accidents.
“So wala namang nangyaring sunog nitong nakaraang yung Christmas saka New Year ang meron lang ay yung regular itong vehicular accidents responde ng ating ambulances mga emergency medical service”.
Batay sa datos ng BFP Lucena, tumaas ng 40% percent ang fire incidence sa nakalipas na taong 2022.
“Tumaas ng halos 40% yung mga incident ng fire kasi noong Pandemic days kasi ang mga tao nasa loob ng bahay walang nalabas secure sila sa loob ng bahay sa ngayon kasi ang mga tao ay nagsilabasan na so minsan di nila ma-secure yung bahay nila so yun nagkakaroon po ng Sunog”.
Tiniyak naman ng BFP Lucena na mananatili silang nakahanda upang tugunan ang tungkulin hindi lamang tuwing may selebrasyon kundi sa buong taon.