Water Health Break Every Hour, inilunsad ng isa sa mga paaralan sa Lucena City
Kaugnay ng anunsyo ng PAGASA na makakaranas ang bansa nang mas mainit na panahon at mataas na temperatura.
Sa pangunguna ng DRRM Coordinator Lovely Muzares at Health Team sa payo ng punong-guro Ma. Concepcion D. Bobadilla ay nagsagawa ang Lucena East VIII Elementary School ng WATER HEALTH BREAK EVERY HOUR upang maibsan ang init at uhaw na nararanasan ng mga mag-aaral, guro at kawani ng paaralan.
Ang programang ito ay sinimulan kahapon Lunes, April 24, 2023 sa mga sumusunod na oras:
8:00, 9:00, 10:00 at 11:00 sa umaga, 2:00 at 3:00 naman sa hapon.
Makakarinig ng tatlong maikling tunog ng bell o hudyat sa itinakdang oras upang sabay-sabay ang pag-inom ng mga mag-aaral, mga guro at mga kawani ng nasabing paaralan.
Nagpapasalamat naman ang paaralan sa mga nagbigay ng suporta at donasyon sa kanilang mga mag-aaral gaya nang pagkakaloob ng 6 na gallon ng tubig na inumin para sa mga Batang East 8.