News

12 assessment para sa Barangay at Lucena LGU, isinagawa ng DILG sa nakalipas na taon

Iniulat ni Lucena City DILG Director Engr. Danilo Nobleza sa regular na flag raising ceremony ang mga naging accomplishment nito noong 2022.

Kabilang na dito ang isinagawa ng Department of the Interior and Local Government o DILG Lucena ng apat na assessment para sa Pamahalaang Panlungsod ng Lucena.

“Seal of Good Local Governance noong April 2022, Local Road Management Performances Audit noong September 15, 2022 ganundin po ay tininang natin ang Functionality Assessment ng Persons with Disability Affairs Office o PDAO at ng City Peace and Order Council.”

Matatandaang nakakuha ng 92.5% sa Functionality Assessment ng DILG Lucena ang Persons with Disability Affairs Office o PDAO.

Sinabi ni Nobleza, nakuha ng PDAO ang naturang porsiyento sa assessment dahil ito sa mataas na compliance ng lokal na pamahalaan sa pagpapatupad ng mga programa ukol sa mga Persons with Disability o PWD.

Bukod dito, sumailalim rin sa pagtatasa ng DILG Lucena ang mga barangay para masukat ang kanilang kakayahan sa pagpapatupad ng mga programa para sa komunidad.

“Walo po sa barangay at apat po sa City Government. Sa barangay po amin pong tiningnan ang kakayahan ng mga barangay ito po ay yung mga barangay peace and order committee, barangay drug abuse council, barangay development council, barangay VAW Desk Functionality, Lupong Tagapamayapa, Barangay GAD.”

Pin It on Pinterest