News

Gumaca, maagang naghahanda para sa Semana Santa

Maagang pinaghahandaan ng lokal na pamahalaan ng Gumaca, Quezon ang maaaring pagdagsa ng mga magsisiuwian at magbabakasyon ngayong Semana Santa.

Nitong Biyernes, Marso 10, agad na nagpatawag na pulong ang Gumaca local government unit kasama ang mga ahensiya at samahang kaagapay sa pagpapanatili ng seguridad.

Tinalakay dito ang mga itatalagang help desks, gayundin ang paglalagay ng signages, deployment ng traffic enforcers, emergency responders, uniformed personnel, at pakikiisa ng volunteers sa pagbabantay sa check point stations.

Pinag-usapan rin ang mga alternatibong ruta gaya ng diversion road na maaaring daanan ng mga biyaherong motorista, light vehicles at light trucks.

Kabilang sa mga dumalo ay ang Kabalikat Civicom, Chill Riders, Eagles Response Team, Gumaqueños Riders Club, DPWH, LTO, BFP, Philippine Army Reservists, Barangay Officials, GTMU, Kalasag-MADRRMO, HPG-FMI Gumaca, at Barangay Tanod Association.

Pin It on Pinterest