2 Sugatan sa karambola ng mga sasakyan sa Padre Burgos, Quezon
Sugatan ang dalawang motorista sa Padre Burgos, Quezon sa karambola ng mga sasakyan.
Bali ang kaliwang binti ng isang lalaking guro na nagmamaneho ng Motorsiklo na kinilalang si Calvin Calinao.
Sugatan din si Anthony Estuye na nagmamaneho naman Carry Cab.
Ang dalawa ay kaagad na isinugod sa pagamutan upang malapatan ng lunas.
5 sasakyan ang nagkarambola na kinasangkutan ng Tricycle, 2 motorsiklo, isang kotse at isang Carry Cab sa bahagi ng Barangay Burgos, Padre Burgos, Quezon matapos umano araruhin ng isang Damp Truck.
Nangyari ng insidente alas 9:30 ng umaga March 28, 2023.
Sa imbestigasyon ng Padre Burgos PNP binababay ng Dump Truck ang Provincial Road patungong Lucena City ng bumangga ito sa isang tricycle at tuluyan din itong sumalpok sa 4 pang mga sasakyan.
Ang driver ng truck na kinilalang si Angelito Aguilar y Cabangon 60-anyos ay posibleng maharap sa asuntong damage to property and Serious Physical Injury.