News

BFAR, nagsagawa ng water quality test sa Calibato Lake dahil sa ‘overturn’

Nagsagawa kamakailan ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ng pagsusuri sa kalidad ng tubig sa Calibato Lake sa San Pablo, Laguna dahil sa ‘overturn’.

Ang overturn o duong ay isang natural na pangyayari kung saan bumababa ang mas malamig na tubig habang umaangat naman ang tubig sa ilalim.

Ayon sa ahensiya, ang phenomenon na ito ay may dalang mga kemikal na nakasasama sa kalusugan ng mga isda at nagdudulot din ng pagbaba ng ‘dissolved oxygen’ na maaaring ikamatay ng isda.

Ilan sa mga inobserbahan sa isinagawang water quality test ay kung mababa ang oxygen sa gitna at ilalim na parte ng lawa, ang mga isda ay makikita sa surface ng tubig na parang hirap huminga at mangilan-ngilan na pagkamatay ng mga isda.

Nagsagawa rin ang ahensiya ng ‘transshipment’ ng mga tilapia.

Gamit ang mga reefer van at mga cooler, agad na hinakot at dinala ng BFAR ang mga naaning tilapia sa Calibato Lake patungong Dalahican Fish Port sa Lucena City upang maiiwasan na mamatay at mapakikinabangan pa ang mga ito.

Karaniwan umanong nagaganap ang overturn o duong sa simula ng taglamig (Nobyembre-Pebrero) o sa simula ng tag-init (Marso-Hunyo).

Pin It on Pinterest